织梦CMS - 轻松建站从此开始!

欧博ABG官网-欧博官方网址-会员登入

Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihin

时间:2024-12-02 08:36来源: 作者:admin 点击: 22 次
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos - Download as a PDF or view online for free

Modyul 6
Ang Layunin, Paraan,
Sirkumstansya at
Kahihinatnan ng
Makataong Kilos
Bb. Jo Marie Nel C. Garcia

Activity (Individual)
Basahin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang LAYUNIN, PARAAN at
SIRKUMSTANSYA sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ang sagot sa ½
crosswise.
Halimbawa:
May markahang pagsusulit si Jona. Siya ay pumasok sa
kanyang silid at nagbasa ng kanyang mga napag-aralan sa
klase.
LAYUNIN: Makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit
PARAAN: Pumasok sya sa kanyang silid at nag-review
SIRKUMSTANSYA: Pinili ni Jona na mag-aral para sa darating na
pagsusulit sa pamamagitan ng pagpasok sa kanyang silid para
makapagbasa ng mga napag-aralan sa klase.

1. Si Oyo ay malungkot dahil iniwan syang
mag-isa sa kanilang bahay. Tinawagan sya
ng kanyang barkada para mag-inuman sa
bahay ng isa pa nilang tropa. Dahil nag-iisa
sya sa bahay at nalulungkot, agad siyang
pumayag at tumungo sa bahay ng barkada
para makipag-inuman.
LAYUNIN: ______________
PARAAN: ___________
SIRKUMSTANSYA: _______

2. Magaling sa Math si Craig. Siya ang
panlaban ng paaralan sa mga contest
at palagi syang nananalo. Siya ay
nagtuturo sa kanyang kamag-aral na
nahihirapan sa Math tuwing hapon
bago sya umuwi.
LAYUNIN: _____________
PARAAN: ___________
SIRKUMSTANSYA: ______

3. Matagal nang nais ni Kim na
magkaroon ng cellphone. Isang araw,
habang mag-isa lang sya sa kanilang
silid-aralan ay nakita nyang naiwan ng
kanyang kamag-aral ang cellphone
nito. Kinuha ito ni Kim at itinago.
LAYUNIN: ______________
PARAAN: __________
SIRKUMSTANSYA: _______

Pangkatang Gawain #2
• Bumuo ng grupo na may tatlong miyembro.
• Magbahaginan ng isang sitwasyon sa inyong buhay na kung
saan nagpapakita ng iyong kilos. Tukuyin ninyo ang layunin,
paraan at sirkumstansya ng iyong pasya o kilos sa sitwasyon.
• Pumili ng isa sa mga karanasang napag-usapan at ibahagi ito
sa klase.
• Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
• Ano ang masasabi ninyo sa kilos na ginawa, mabuti o
masama? Patunayan.
• Ano ang realisasyon matapos kayong magbahaginan at
tukuyin ang layunin, paraan at sirkumstansyang inyong
kinaharap.
• Paano nakatulong sa inyo ang pagsusuri ng kilos bago ito
isagawa?

“Kilos ay suriin, mabuti laging piliin.”
Ang makataong kilos ay bunga ng
ating isip at kagustuhan na
nagsasabi ng ating katangian. Kung
ano tayo at kung ano ang
kalalabasan ng ating kilos ay batay
sa ating pagpapasya.
Sa bawat
MAKATAONG KILOS,
ang kilos-loob ang
tumutungo sa isang
layunin. Hindi
makapaghahangad ng
anuman ang isang tao
kung wala itong
pinakahuling layunin
at ito ay ang
makapiling ang Diyos
sa kabilang buhay.
Ang moral na kilos ay
makataong kilos
sapagkat ito ay
malayang patungo sa
layuning pinag-isipan at
mapanagutang
isinakatuparan.

Ano ang papel ni isip, puso, katawan at kilos-loob?
Ang katawan ang syang nangangalap ng kaalaman mula sa
kapaligiran at sya ring magsasakatuparan ng pinagpasyahang kilos
Ang isip ay umuunawa, humuhusga at nag-uutos
Ang puso ang nakararamdam ng lahat ng bagay na nangyayari sa
ating buhay at sya rin ang nagpapasya sapagkat dito hinuhubog
ang personalidad ng tao.
Ang kilos-loob ang syang ugat ng mapanagutang kilos sapagkat
sya ay laging patungo sa iisang layunin – KABUTIHAN.
Etika ni Sto. Tomas de Aquino
GAMIT TUNGUHIN
Katawan Pagkilos o paggawa Maisakatuparan ang
panloob na kilos
Isip Pag-unawa Katotohanan
Kilos-loob Gabay Kabutihan
Puso Pagdedesisyon Maging personalidad ang
tao

Moral
na kilos
Layunin
Paraan
Kahihinatnan
Sirkumstansya
Batayan sa Pghuhusga kung
ang kilos ay moral o hindi.

1. Layunin
 Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-
loob. Ito ang motibo o dahilan kung bakit gagawin ang kilos.
 Hindi nakikita o nalalaman ng iba sapagkat ito ay personal sa
taong gumagawa ng kilos.
 Sto. Tomas de Aquino: Ang pamantayan sa kabutihan ng
layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang
dignidad ng kapwa.
Nakita ni Rafael na umiiyak si Jessa. Nilapitan nya
ito at binigyan ng panyo. Ginawa nya ito dahil si
Jessa ay mahusay sa Science at may pagsusulit
sila mamayang hapon at nais nyang kumopya
rito. Mabuti ba ang layunin ng kilos? May
paggalang ba sa dignidad ni Jessa?

2. Paraan
 Tumutukoy sa panlabas na kilos na kasangkapan upang
makamit ang layunin.
 Sto. Tomas de Aquino: May nararapat na obheto ang kilos. Ang
paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan
ng panlabas na kilos ay ang nararapat na obheto nito.
Ikaw ay nagugutom kaya ikaw ay kakain. Sa kilos na ito, ang
obheto ay makakain. Ngunit hindi ka kakain ng bato o buhangin
dahil hindi pagkain ang mga ito.
Ikaw ay nauuhaw kaya ikaw ay iinom. Sa kilos na ito, ang obheto
ay makainom ngunit hindi ka iinom ng muriatic acid dahil
nakamamatay ito.

3. Sirkumstansya
 Tumutukoy sa isang sitwasyon o kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
 Ito ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o
kasamaan ng kilos.
Sino Taong nagsasagawa ng
kilos o taong maaaring
maapektuhan ng kilos
Ninakaw ni Arnold ang pera
ng kanyang lola Ester
habang ito ay nakapila para
sa komunyon.
Masama ang magnakaw pero
nadagdagan pa ang bigat nito dahil
lola nya ang kanyang ninakawan.
Ano Mismong kilos, gaano
kalaki o kabigat
Ang pera ni lola Ester ay
pambili nya ng gamot
Ang kilos ni Arnold ang dahilan kung
bakit hindi nakabili ng gamot si Lola
Ester at lumubha ang kalagayan nito
Saan Lugar kung saan
isinagawa ang kilos
Ginawa ni Arnold ang
pagnanakaw sa loob ng
simbahan.
Mas mabigat ang kasamaang nagwa
dahil ginawa ito sa loob ng
simbahan.
Paano Paraan kung paano
isinagawa ang kilos
Kinuha nya ang pera sa loob
ng pitaka ng kanyang lola
Ester.
Naragdagan ang kasamaan dahil
pinagplanuhan nya itong gawin.
Kailan Panahon kung kailan
isinagawa ang kilos
Nagnakaw si Arnold habang
nakapila sa komunyon ang
kanyang lola.
Itinaon nyang nakapila ang kanyang
lola Ester noong kinuha nya ang pera
nito sa pitaka.

4. Kahihinatnan
 Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan,
at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay
may kahihinatnan.
 Mahalaga na dapat pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang
anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na
pananagutan na dapat isaalang-alang.
 Kailangang mapag-isipang mabuti at makita kung ano ang
magiging resulta ng anumang kilos na gagawin.
Si Eleonor ay isang doktor at matagal na sya sa larangan ng
panggagamot. Alam niya kung makasasama o makabubuti sa
kanyang pasyente ang kanyang ireresetang gamot. Kung itinuloy pa
rin nya ang pagrereseta sa pasyente ng gamot kahit makasasama ito
sa pasyente, mayroon syang pananagutan sa anumang kahihinatnan
nito.

Tandaan!!!
Kailangang pag-isipang mabuti ang pagsasagawa ng kilos
gaano man ito kaliit o kalaki.
Kailangang tingnan at isaalang-alang ang maaaring maidulot
nito hindi lamang sa sarili kundi pati sa kabutihang panlahat.
Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa
kalikasan nito kundi pati sa motibo at sirkumstansya kung
paano mo ito ginagawa.
Kailanganmong sanayin at hubugin ang iyong sarili upang
maging isang mabuting taona may kamalayan sa bawat kilos
dahil ito ang magiging gabay tungo sa iyong pagpapakatao.
Upang maging mabuti ang kilos, nararapat itong nakabataysa
dikta ng konsensya batay sa Likas na Batas Moral na ang
syang pinakahuling layunin ay ang kabutihan at ang
makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.

Tayahin ang iyong Pag-unawa
• Isulat sa ½ crosswise ang lahat ng konsepto na iyong
natutuhan mula sa aralin. (Ipapasa pagkatapos ng gawain)
• Pagkatapos ng 5 minuto, pumunta ka sa iyong pangkat at
bumuo kayo ng graphic organizer na magpapakita ng lahat ng
inyong katutunan. Mas mabuti mas marami kaysa sa isa ang
ideyang ibibigay ng bawat miyembro.
Main
Idea
Natutuhan
(Member 1)
Natutuhan
(Member 2)
Natutuhan
(Member 3)
Natutuhan
(Member 4)
Natutuhan
(Member 5)

Proyekto para sa 2nd Quarter
• Gagawa ka ng isang journal (notebook from Gov.) kung saan
isusulat mo ang mga sumusunod araw-araw (September 30 to
October 20):
A. Table of Gratitude
B. Box of Wrongdoing
3 bagay na ipinagpapasalamat ko
sa araw na ito
Dahilan kung bakit ko ito
ipinagpapasalamat
1.
2.
3.
Isang mali o pangit na bagay na aking naisip/nagawa at
ang aking ginawa (o gagawin pa lang) upang maitama
ito.

Criteria
70% content (3 entries for table of gratitude and 1 entry for box
of wrongdoing PER DAY)
30% creativity (including COVER and design per page)
Total of 100% which will be recorded as Performance Task
Cover page should look like this (clean and NO DESIGN)
Full Name of Student
EsP 10 Artermis
Bb. Jo Marie Nel C. Garcia

(责任编辑:)
------分隔线----------------------------
发表评论
请自觉遵守互联网相关的政策法规,严禁发布色情、暴力、反动的言论。
评价:
表情:
用户名: 验证码:
发布者资料
查看详细资料 发送留言 加为好友 用户等级: 注册时间:2025-01-22 14:01 最后登录:2025-01-22 14:01
栏目列表
推荐内容