织梦CMS - 轻松建站从此开始!

欧博ABG官网-欧博官方网址-会员登入

IBIG Fund? Paano maging miyembro? Sino ang puede?

时间:2024-06-25 04:13来源: 作者:admin 点击: 52 次
Ano'ng benepisyo ng PAG-IBIG Fund? Paano maging miyembro? Sino ang puede? Ang PAG-IBIG Fund ay ang karaniwang tawag sa Home Development Mutual Fund.

Ano'ng benepisyo ng PAG-IBIG Fund? Paano maging miyembro? Sino ang puede?

Pagibig


Ang PAG-IBIG Fund ay ang karaniwang tawag sa Home Development Mutual Fund. Ito ay isang programang nasyonal para sa pag-iimpok or savings. Ang layunin ng PAG-IBIG Fund ay ang magkaroon ng pondo ang mga pang-karaniwang mga Pilipino upang maka-bili ng sariling tahanan ang bawat pamilyang Pilipino.


Kailan ito naitatag?

Ito ay itinatag noon June 11, 1978 sa pamamagitan ng Presidential Decree 1530 ng dating Presidenteng Ferdinand Marcos. Sa ilalim ng PD 1530, ang SSS at and GSIS ang mangangasiwa sa pondo ng PAG-IBIG.


Ngunit, noong March 1, 1979, ang pangangasiwa sa PAG-IBIG fund ay inilipat sa National Home Mortgage Finance Corporation sa ilalim ng Ministry of Human Setlements.


Sinu-sino ang maaaring mag-miyembro sa PAG-IBIG Fund?

Lahat ng empleyado o trabahador na maaaring mag-miyembro sa SSS ay puede ding maging miyembro sa PAG-IBIG Fund, ngunit hindi kailangang mag-miyembro muna ng SSS para maging miyembro ng PAG-IBIG.


Sinumang may mga ganitong katangian ay maaaring mag-miyembro:

-Empleyado na wala pang edad na 60;

-Isang katulong o kasambahay na sumasahod ng P1000 pataas kada buwan (kasama na pati mga family driver, hardinero, kusinera o yaya;

-Isang seaman na may contract of employment;

-Isang self-employed na tao o isang taong may pag-aari ng isang business;

-Isang Pilipino na nangibang-bansa ngunit miyembro ng SSS;

-Lahat ng mga empleyado sa gobyerno na covered sa ilalim ng GSIS;

-Lahat ng mga miyembro ng Sandatahan Hukbo ng Pilipinas kasama ang mga pulis

-Lahat ng mga OFW


Anu-ano ang mga benepisyo sa pag-huhulog sa PAG-IBIG Fund?


1. Savings

Ang PAG-IBIG Fund ay isang savings account or pondong ipon ng mga miyembro nito. Lahat ng mga inihulog ng miyembro, pati na ang mga dibidenong kinita nito ay maaaring i-withdraw kapag


-Nakapag-hulog na ang miyembro ng at least 240 na monthly membership contributions.

-Makarating na sa 5th, 10th, 15th at 20th years ang mga contribution.

-Nag-retiro na ang miyembro.

-Nagkaroon ng pinsala sa katawan o sa pag-iisip ang miyembro na total at permanent.

-Magkasakit ang miyembro

-Namatay na ang miyembro

-Umalis na sa bansa ng permanente ang miyembro.


2. Multi-purpose Loan/ Calamity Loan


Kung ang miyembro ay nakapag-hulog na ng 24 na buwanang hulog, at sa loob ng 6 na buwan bago mag-apply ng multi-purpose loan, nakapag-hulog na ng 5 buwang hulog, maaari siyang mag-apply ng loan at maaring maka-utang ng hanggang sa 80% ng kanyang total accumulated value (lahat ng mga hulog)


Maaari ding mag-apply kung ang miyembro ay napinsala dahil sa isang kalamidad tulad ng bagyo, baha o lindol. Ang calamity loan ay kailangang mabayaran sa loob ng 24 na buwan.


3. Housing Loan

Ngunit puede din itong gamiting paraan upang maka-pangutang para sa isang Housing Loan. May bayad na processing fee na P1000 o P2000 na ibabawas din sa mga mauutang.


Kailangang ang miyembro ay nakapag-hulog na ng at least 24 na buwan at ang inuutang na halaga ay hindi hihigit sa halagang P500,000. Hindi siya dapat hihigit sa edad na 65 at dapat ay 70 siya sa panahon na dapat matapusan ang bayad sa utang.


Kailangang ang miyembrong mangungutang ay hindi naging principal borrower o co-borrower na.


Kailangang hindi na foreclose, cancel or default ang anumang dating housing loan na nakuha noon sa PAG-IBIG.


Kahit na hindi mo nais na bumili o magpa-tayo ng bahay, mainam pa rin ang mag-impok sa pondo ng PAG-IBIG. Sa maliit na halaga buwan-buwan, mayroon kang ipon na maaaring makatulong sa araw na ika'y nangangailangan. Alamin ang iyong mga karapatan at benepisyo sa ilalim ng PAG-IBIG Fund.





-----

Ang mga naka-lathala dito sa website na ito ay pawang pagpapalaganap lamang ng impormasyong legal at hindi kailanman dapat na ituring na payong legal. Nais lamang ng website na ito na malaman ninyo ang nilalaman ng batas na maaaring maka-apekto sa inyong buhay at hanapbuhay.


Ang pagbabasa ng mga post at articles sa website na ito or sa mga posts ng abogado sa website na ito ay hindi nangangahulugang kayo ay may ugnayang lawyer-client na. Hindi kayo kliyente ng abogado dito ay hindi ninyo abogado ang nag-post ng opinion.


Masdan na langing isinasaad sa mga post na kayo ay dapat kumuha ng inyong sariing abogado sapagkat hindi pumapayag ang abogado sa website na ito na kayo’y maging kliyente niya.

(责任编辑:)
------分隔线----------------------------
发表评论
请自觉遵守互联网相关的政策法规,严禁发布色情、暴力、反动的言论。
评价:
表情:
用户名: 验证码:
发布者资料
查看详细资料 发送留言 加为好友 用户等级: 注册时间:2025-01-22 16:01 最后登录:2025-01-22 16:01
栏目列表
推荐内容