ANG TAGAPAMAGITANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA UGNAYAN NG KAHANDAAN SA PAGSANIB NG ICT AT KOGNITIBONG PAGGANAP NG MGA GURO (The Mediating Effect of Technology in Teaching and Learning in the The Relationship between Teacher Readiness in Using ICT and Cognitive Performance) 134 Pages Posted: 8 Oct 2021 See all articles by Wilfredo, Jr. S. CavanWilfredo, Jr. S. Cavan DepEd-Molopolo National High School Date Written: August 4, 2021 Abstract Filipino Abstract: Ang pananaliksik na ito ay may layuning matukoy ang tagapamagitang epekto ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto sa kahandaan ng guro sa pagsanib ng ICT at kognitibong pagganap mula sa 400 na tagatugon na mga guro ng Filipino na sakop ng lalawigan, dibisyon ng Davao del Sur. Ang teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ang siyang tagapamagitang baryabol sa pananaliksik na ito mula sa ugnayan ng kahandaan ng guro sa pagsanib ng ICT at kognitibong pagganap. Ginamit ang Stratefied Random-Sampling para makuha ang bilang ng mga tagatugon. Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng non-experimental quantitative na disenyo at ginamit din ang deskriptibong-korelasyon na paraan kung saan ginamit para magkalap ng datos, ideya, katotohanan at impormasyong may kaugnayan sa pananaliksik. Ginamit ang adapted questionnaire bilang instrumento sa pagkalap ng datos sa pananaliksik na ito. Gumamit ang mananaliksik ng kagamitang panteknolohiya partikular ang Google Forms upang magkalap ng mga kinakailangang datos para sa pananaliksik na ito. Ang adapted questionnaire na instrumentong ginamit mula sa mga baryabol ng pananaliksik na teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto, kahandaan ng guro sa pagsanib ng ICT at kognitibong pagganap ay pinagtibay ng mga eksperto na siyang pagkukunan ng mga datos. Mula sa layunin ng pananaliksik gamit ang mean, natuklasan na mataas ang antas ng kahandaan ng guro sa pagsanib ng ICT, kognitibong pagganap at teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto. Gamit naman ang Pearson-r, natuklasan na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto sa kahandaan ng guro sa pagsanib ng ICT, habang may makabuluhang ugnayan naman sa pagitan ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto at kognitibong pagganap at mayroong ugnayan sa pagitan ng kahandaan ng guro sa pagsanib ng ICT at kognitibong pagganap. Samantala, gamit naman ang medgraph Sobel z-test, ang resulta ng pag-aaral ay nagsasabi na mayroong parsiyal na tagapamagitan sa epekto ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto sa ugnayan sa pagitan ng kahandaan ng guro sa pagsanib ng ICT at kognitibong pagganap. Note: Downloadable document is in Filipino. Keywords: education, teacher readiness in using ICT, cognitive performance, technology in teaching and learning, correlation, mediating effect, teaching and learning in the Philippines Suggested Citation: Cavan, Wilfredo, Jr. S., ANG TAGAPAMAGITANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA UGNAYAN NG KAHANDAAN SA PAGSANIB NG ICT AT KOGNITIBONG PAGGANAP NG MGA GURO (The Mediating Effect of Technology in Teaching and Learning in the The Relationship between Teacher Readiness in Using ICT and Cognitive Performance) (August 4, 2021). Available at SSRN: https://ssrn.com/abstract=3898981 or
Wilfredo, Jr. S. Cavan (Contact Author) DepEd-Molopolo National High School ( ) Davao City |