Higit pa sa 14 milyon sa 30 milyong ektarya ng lupain sa Pilipinas ang agrikultural. Sa kabila nito, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 9 sa bawat 10 magsasaka ang walang sariling lupa. Bagamat malalawak ang sakahan at taniman sa bansa, nananatiling atrasado, maliitan, at hiwa-hiwalay ang katangian ng agrikultura sa Pilipinas. Nahaharap ang mga magsasaka sa maraming problema kagaya ng mataas na upa sa lupa na bunga ng kawalan ng sariling lupa ng mga magsasaka’t manggagawang bukid, malaking gastos sa puhunan, mataas na usura, at pangongontrol at pambabarat sa merkado. (责任编辑:) |